Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan palo sa Virginia

0 171

Nakatakdang buksan nina Bianca Isabel Pagdanganan, Dottie Ardina at US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang mga kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Asssciation (LPGA) Tour 2021 11th leg, 16th Pure Silk Championship sa Kingsmill Resort-River Course sa Williamsburg, Virginia Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas).

Pangalawang torneo pa lang ito ng 23-year-old, 5-foot-3, Philippine 2 shotmaker mula sa Quezon City na si Pagdanganan makaraan ang fifth-sixth leg Ana Inspiration noong April 1-4 sa California at Apr. 14-17 Lotte Championship sa Hawaii kung saan sumablay siya pareho sa cutoff.

Para kay Ardina, 27, ng Canlubang,Laguna ikalawa pa lang niya ito pagkamintis din sa finals ng Lotte, at kay Guce, 31, buwenamano pa lang sa kasalukuyan ding taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.