Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan papasiklab

0 41

Magbabalik si 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdnganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 24th leg – $1.4M (P70.5M) 28th Cambia Portland Classic sa The Oregon Golf Club sa West Lin, Oregon sa September 16-19.

Pangunahing puntirya ng 23-anyos na Pinay shotmaker buhat sa Quezon City at kinakalinga ng ICTSI, na lampasan ang six-way tie sa 64th place sa nakaraang taong edisyon ng 144-player, 72-hole stroke play, four-day event.

Kagagaling lang ng ni Pagdanganan sa walong magkakatabla sa pang-12 puwesto sa 16th Symetra Tour 2021 16th leg $200K (P10M ) 1st Circling Raven Championship sa Idaho noong Aug. 27-29. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.