Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan pasok sa finals

0 191

KABILANG si Bianca Pagdanganan sa tatlong nagpasiklab sa bogey-free, day’s best five-under 65 upang pumalaot sa weekend play ng 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Biyernes (Sabado sa Maynila).

Ang maangas na ipinakita ng 22-year-old rookie pro mula sa Quezon City ang nagbigay sa kanya ng 36-hole total na two-under 136 para mula sa seven-way tie sa 113th spot sa opening round ay umakyat sa 12 magkakabuhol para sa ika-24 na puwesto.

Related Posts

Anim na stroke na lang buhat sa 10 dati ang layo ni Pagdanganan sa bagong lider na si 10-time US Ladies Professional Golf Association (LPGA) champion Sei Young Kim ng South Korea (65-136).

Abante ito ng isang hampas kina American Jennifer Kupcho (65) at Danielle Kang (69), Swede Anna Nordqvist (68) at Spanish Carlota Ciganda (69) na may mga 137.

Hindi naman pinalad ang isa pang Pinay bet na si Dottie Ardina, na sa 77-15 nahanay sa 3-way tie sa 118th at mapabilang sa 55 na sumablay sa cut. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.