Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan, Saso bibira sa US Open

0 127

Nakatakdang makipagsabayan sina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso sa pagsiklab ng $5.5M 75th US Open Women’s Championship sa 6558-yard Jackrabbit course ng Champions Golf Club sa Houston, Texas ngayong Biyernes (Huwebes sa Estados Unidos).

Kumpiyansa ang dalawang pambato ng Pilipinas sa mayaman at prestihiyosong torneo na magsisilbing penultimate leg ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020. Ikasiyam para kay Pagdanganan sa taon ding ito at una pa lang kay Saso.

Ito’y sa kabila na galing ang 23-old Quezon City rookie pro (Bianca) sa 76th place sa 8th Volunteers of America Classic 2020 nitong December 3-6 sa kalapit na The Colony, Texas din. At ang San Ildefonso Bulacan newbie pro (Yuka) sa joint fourth sa 48th Japan LPGA Tour Championship Ricoh Cup 2020 sa Miyazaki City, Japan nitong November 26-29.

Ang best finish ng isang Pinay bet sa US Open ay fourth place na ginawa ni Jennifer Rosales noong 2004. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.