Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdanganan swak sa dyowa

0 79

Swerte na sa golf, buwenas pa sa bf!

Ganito pinagpala si Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour rookie Bianca Pagdanganan sa kanyang partner na all-out support sa kanyang mga gimik.

Bukod sa pagsubaybay sa kanyang mga competition sa USA, sinasakyan din ng kanyang dyowa ang trip niya sa pagti-Tiktok.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Instagram story ng 2018 Asian Games dual medalist gold at bronze), sobrang na-appreciate ng 23-anyos at 5-4 ang taas, ang suporta sa kanya ng nobyo dahil enjoy rin ang binata sa pagsayaw ng mga trending Tiktok challenge.

“Thanks for making tiktoks w/me. I know deep down inside you really enjoy them,” anang tubong Quezon City. “Bestie and boyfriend all in one swerte ko naman!”

Pabalik na Land of Milk and Honey si Bianca para sa ikalawang season sa Tour at hangad mag-qualify sa. 2021 Tokyo Olympics. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.