Abante Tonite Interactive

Pagdapa ni Dawn kinabaliwan ng mga barako

724

Malakas ang arrive ng PBB alumna na si Dawn Chang. Sexy kasi at maganda ang Kapamilya talent.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, umaapaw sa hotness si Dawn habang nakadapa sa buhanginan sa isang magandang beach. Lalong lumutang ang kaseksihan ng dalaga sa suot na two piece yellow skimpy bikini.

Nakakapagpalikot ng imagination ng mga kalalakihan ang posisyon niyang nakadapa. Medyo nakaliyad ang bandang butt niya, na as if ipinangangalandakan ng dalaga ang isa sa kanyang asset na pansinin ng mga barako.

Si Dawn ay 4th Placer finalist sa Civilian Edition ng “Pinoy Big Brother 737” noong 2015. Isa siyang baker at dancer na naging bahagi ng “It’s Showtime” girl group na GirlTrends. Dati rin siyang member ng grupong Hotlegs.

Ilang barako kaya ang sumikip ang suot na underwear nang masilip ang taglay na kaseksihan ni Dawn?

Bukod kasi sa pamatay ang porma niya, may taglay siyang kakaibang charm na patok at hahanap-hanapin ng mga kalalakihan.

Sa kakaibang taglay na sex appeal ni Dawn, sapat na ito para makompleto ang araw at maghatid ng ngiti sa labi ng maraming kalahi ni Adan. (Nonie Nicasio)