Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagdinig sa kaso ni Nuezca umarangkada na

0 65

Nagsimula na ang pagdinig sa kaso ng pulis na si Jonel Nuezca, na siyang pumaslang sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac nitong Disyembre.

Ani Florentino Gregorio, asawa ng nasawing si Sonya at tatay ng pinaslang na si Frank Anthony Gregorio, nagkaharap na sila ni Nuezca ngunit nasa Zoom lang ang pulis.

“Nung pina-point sa akin, pinatanggal ko mask niya. Pinatanong ko kung anong pangalan niya para nadidinig ng korte na siya ang tinutukoy ko,” ani Florentino sa isang panayam .

Sambit ni Florentino, hindi sapat ang pera para pagbayaran ni Nuezca ang ginawang krimen.

“Hindi po sapat ‘yun sa dalawang buhay na kinuha niya sa aking mag-ina,” wika nito.

Nakatakdang ikasa ang ikalawang pagdinig sa Pebrero 20 kung saan dadalo rito ang nakakuha ng video sa naturang pamamaslang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.