Abante Tonite Interactive

Pagdirek ni Joyce kay Digong Hindi ko alam kung ano nakain niya — Piolo

By
3,291

Idinaan na lang sa biro ni Piolo Pascual ang reaksyon niya sa pagdidirek ng SONA (State of the Nation Address) ng kaibigan at co-producer niya sa Spring Films na si Binibining Joyce Bernal.

“Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya (Joyce), eh,” sambit ni Piolo nang makausap namin kamakailan sa press launch niya for new endorsement, Mega Pro Plus Karaoke.

“Gusto niya, eh, gusto niyang ma-direk ang SONA,” dagdag pa ni Papa P.

Abante Hiring – IT dep

Sa July 23 gaganapin ang SONA at sey ni Piolo, sayang daw at may taping siya on that day. Kung wala, gusto raw sana niyang puntahan ang kaibigang direktor para suportahan ito at panoorin ang unang pagdidirek nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“That should be an experience for her, something different, something new.”

Ano ang sinabi niya kay direk Joyce nang malaman niya na ididirek nito ang SONA?

“Sabi ko, ‘kaya mo ba?’ Sabi niya, oo, kaya naman daw niya,” kuwento ng aktor.

Sa ngayon ay tinatapos na lang ni Piolo ang mga natitirang taping days para sa papatapos nang serye niyang ‘Since I Found You’ at pagkatapos ay biyaheng Mindanao na raw siya para sa advocacy film na Marawi at dito na siya magpo-focus.

Hashtag Jon nawala ang stress sa ‘baby’

Ayon kay Jon Lucas, ngayong padre de familia na siya ay marami raw nabago sa buhay niya.

“Unang-una, siyempre, nawala na ‘yung barkada. Hindi naman nawala, nandiyan pa rin naman ang barkada, pero more on priority muna is family talaga.

“Na hindi na pwedeng abutin nang late (ang pag-uwi) kasi kahit ikaw mismo, gusto mo nang umuwi nang maaga, kasi nga gusto mo nang makita ‘yung baby mo, gusto mo nang makita ‘yung asawa mo, gusto mo nang mawala ‘yung stress mo,” pahayag ni Jon nang makausap namin sa presscon for his upcoming film, ‘Dito Lang Ako’ opposite Michelle Vito.

Totoo nga raw na kahit pagod na pagod ka, makita mo lang ang baby mo ay nawawala na lahat ang pagod mo.

“Pag nakikita mo ‘yung ngiti ng baby, ‘yung walang ngipin, nakakawala ng pagod, eh, parang ‘wow, ito pala ‘yun.’”

Ngayong out in the open na ang tungkol sa tunay niyang estado, makakapag-post na raw siya sa wakas sa social media ng larawan ng kanyang pamilya na matagal na raw niyang gustong gawin.

Pagkatapos na pagkatapos nga niyang umamin sa presscon ay nag-post na agad si Jon ng pictures and video nila ng baby niyang si Brycen Christian sa kanyang Instagram.

And not only that dahil may suwerteng hatid ang baby ng aktor dahil heto nga’t nagkaroon na siya ng first lea­ding role sa pamamagitan ng pelikulang ‘Dito Lang Ako’ na showing na sa Aug. 8 mula sa direksyon ni Roderick Lindayag.

Bagong serye ni Jennylyn kukunan sa abroad

Pati si Iya Villania ay puring-puri ang ‘The Cure’ teleserye nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa GMA Telebabad at ipinost pa niya ito sa kanyang IG.

“I have to say, the quality of this show has been impressive that I can’t help but watch for a few mins when I’m supposed to be heading home,” ang post ni Iya.

At bilang patunay na nanonood siya talaga, nag-post din si Jennylyn ng screengrad ng mensahe ni Iya sa kanya kung saan ay tinatanong nito kung nakagat ba siya talaga ng infected na napanood sa last Friday’s episode.

Sagot naman ni Jen kay Iya, “Hahahah! Secreeeeet!”

Magtatapos na ang’ The Cure’ next week at kinumpirma na ng isa sa managers ni Jen na si Katrina Aguila na may bagong serye na agad na gagawin ang Ultimate Star.

Sa Ask a Question feature ng IG, sinabi ni Kat na isu-shoot daw sa abroad ang susunod na serye ni Jen. Ito lang ang ibinahagi niyang detalye so far.