Abante Tonite Interactive

Pagdurusa ng mga subscriber sa Smart at Globe tapusin na

By
5,459

Tama lang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na bigyan ng mahusay na pagtrato ang papasok na third telecommunications player sa bansa.

Ito ayon kay Makati City Rep. Luis Campos, Jr., ay upang mabigyan ang mga Pinoy ng access sa mas mabilis at abot-kayang internet connection speeds.

“Public interest dictates the preferential treatment. We have to enable the new entrant to quickly roll out its network for the benefit of consumers, who for years have had no choice but to endure the inadequate and costly Internet services being supplied by the two players (Smart-PLDT at Globe),” pahayag ni Campos.

Abante Hiring – IT dep

“The State, in going out of its way to accommodate the third player, is in fact merely fulfilling its duty to foster stronger and freer market competition,” dagdag pa ni Deputy Minority leader Campos.

Mahigpit na ipinag-utos ng Malacañang sa lahat ng kinauukulang ahensiya, mula sa National Telecommunications Commission (NTC) hanggang sa local governments na apurahin ang pagkakaloob ng kinakailangang permiso at lisensya ng bagong papasok na telco.

“Otherwise, they risk incurring the President’s wrath,” ayon kay Campos.

Kung wala aniya ang direktiba ni PDu30 ay sangkatutak na sagabal ang kakaharapin ng third player kabilang na ang pagkakaantala sa pagkuha ng lisensya at regulatory approval sa pagbuo ng bagong telecommunications company.

Sinasabing ang bagong eentrang telco ay posibleng gumastos ng halagang P125 bilyon hanggang sa susunod na tatlong taon nang sa gayon ay epektibong makipagkumpitensiya sa PLDT Inc. at Globe Telecom Inc., batay sa market analysts.

Isinusulong ni Campos na gawing ‘basic telecommunications service’ ang klasipikasyon ng internet access para maobliga ng NTC ang suppliers na pabilisin ang connection speeds at kung hindi tatalima ay ibabalandra sa mga ito ang mabigat na multa.

Sa ilalim ng House Bill 5337, target ni Campos na palakasin ang kapangyarihan ng NTC para mabigyan ng kalidad at murang presyo ang internet access sa pamamagitan ng pagturing dito bilang basic service o pangunahing serbisyo.