Abante Tonite Interactive

Pagdurusa sa walang kabuluhang pagpatay

By
293

Bukod sa pagsibak kay Judge Dumayas, nakasaad din sa utos ng Korte Suprema ang pag-aalis ng pagkakataon na matanggap ng hukom ang lahat ng kanyang benepisyo, pati na ang kanyang dapat tanggapin sa kanyang pagreretiro na nakatakda na sana ngayong taon.

Hindi na rin siya pinapahintulutan ng Korte Suprema na mapagkalooban ng anumang uri ng posi­syon o trabaho sa pamahalaan.

Nakasaad pa sa desisyon ng mga mahistrado na ang pagkakaloob ng magkahiwalay na aplikasyon para sa kanilang probation nina Dela Paz at Datu III ay malinaw na magbibigay ng kalayaan sa mga ito at hindi man lamang mapagsi­silbihan ang parusang nararapat na ipataw sa kanila na malinaw na pumapabor sa mga akusado.

Bukod pa rito, napagalaman na may 13 pang kasong administratibo na nakasampa laban kay Dumayas mula noong taong 2003 hanggang 2016.

Ang kautusan ng Korte Suprema kaugnay sa pagsibak bilang hukom kay Dumayas ay nagbigay daan upang maglabas na muli ng warrant of arrest and korte upang madakip muli sila Dela Paz at Datu III na nagtago na nang malaman ang desisyon ng Mataas na Hukuman.

Dito na sinimulan ng mga awtoridad ang pag-TUGIS sa dalawa hanggang noong Hunyo 18, 2018, araw ng Lunes, nagpatawag ng pulong-ba­litaan ang National Bureau of Investigation (NBI) at i-prinisinta ni Director Dante Gierran sina Dela Paz at Datu III na kanilang nahuli sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong at Marikina Cities.

Ayon kay Gierran, hindi nila tinantanan ang pag-TUGIS sa dalawa at sa ayuda na rin ng US Federal Bureau at ng Embahada ng Estados Uni­dos sa bansa, natunton nila nito lamang Hunyo 12 si Datu III sa isang condominium sa Mandaluyong City, kasama ang kanyang live-in partner.

Malinaw aniya na nagtago si Datu III dahil hindi na siya natunton ng mga tumu-TUGIS na awtoridad sa address o tirahan na kanyang inilagay sa mga dokumento at salaysay na iprini­sinta sa hukuman.

Dalawang araw makaraang madakip ng NBI si Datu III, sinimulan na rin nila ang pag-TUGIS kay Dela Paz hanggang mamataan siya nito lamang Hunyo 14 sa San Pedro, Laguna habang sakay ng isang kotseng minamaneho ng kanyang tiyuhing si Jimmy Boy David.

Nakipaghabulan pa sina Datu III sa mga tumu-TUGIS na ahente ng NBI hanggang tuluyang silang masakote sa Marikina City. Inaresto rin ng NBI ang tiyuhin ni Dela Paz at sinampahan ng kasong Obstruction of Justice matapos tang­kaing itakas ang kanyang pamangkin.

Nagpahayag naman ang Embahada ng Estados Unidos na ang pagkakadakip muli sa mga akusado ay magbibigay-daan upang mapagkalooban ng hustisya ang walang kabuluhang pagpatay sa kanilang kababayan.

Muli, sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.