Abante Tonite Interactive

Paggamit sa pangalan ng patay

0 299

Kaye Dacer

Dear Ms. Kaye Dacer, Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo tungkol sa aking pinsan na nagtayo ng negosyo gamit po ang pangalan ng aking yumaong ama. S’ya po ay nagtrabaho sa aking ama bilang isa sa kanyang mga assistants sa opisina. Ito po ay isang pagawaan ng papel. S’ya po ay nagresign sa a­king ama after 3 years. Sa madaling salita noon pong namatay ang aking ama ay nagtayo po s’ya ng negosyong kagaya ng aking nasirang ama at pinalabas po n’ya na s’ya ang nagpatuloy ng naiwan ng aking ama. Dahil po doon sa kanyang pag kopya ng negosyo ng aking ama ay mayroon pong mga kliyente ang aking ama na nagtiwala sa kanya at sa kanya po nakikipag negosyo.

Masakit lang po sa akin na totoong anak na nagagamit po ang pangalan ng aking ama ng wala po s’yang kaalam alam dahil wala na po s’ya sa mundong ito. Masakit din po sa akin na para pong walang respeto sa aming pamilya na basta na lamang gagamitin ang pangalan ng aking ama na hindi man lamang po nagpaalam sa amin.

Alam ko po na pinsan din namin s’ya pero wala po s’yang respeto sa amin lalong lalo na sa yumao naming ama. Sana po Mam Kaye ay matulu­ngan n’yo kaming makahanap ng solusyon dito at sana po ay may paraang legal para mahinto ang kanyang paggamit ng pangalan ng aking ama na mayroon po kaming mga katibayan sa kanyang Facebook account.

Mary,
Kung pag-uusapan natin ang usaping moral ay hindi maganda ang ginawa ng iyong pinsan. Isa itong kawalan ng res­peto sa iyong ama lalo na sa pamilya na naiwan.

Kawalan ito ng delicadeza at respeto sa yumao at sa kanyang pamil­ya.
Maipapayo ko na kausapin mo ang iyong pinsan para ipaalam sa kanya na ang paggamit n’ya ng pangalan ng inyong ama ay hindi n’yo nagugustuhan. Maaari kang kumunsulta sa isang abogado para sa isang legal advise.