Abante Tonite Interactive

Paggamit sa Yolanda vs Roxas tigilan na

9
04-21-2016-roxas
Sec. Mar Roxas

Nanawagan kahapon si Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga kritiko ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas na itigil na ang pagbatikos sa dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isyu ng Yolanda.

Sa halip, kinilala ni Romualdez ang ginawang pagbubuwis ng buhay ni Roxas noong panahon ng super typhoon Yolanda sa kanilang mga kababayan sa Tacloban.

“Let’s not inject politics anymore and stop the blame game by moving forward and continue on the rebuilding programs in Yolanda-hit areas. After all, politics simply has no place in the face of tragedy of such magnitude,” ani Romualdez.

Ayon sa senatorial candidate, hindi matatawaran ang ginawa ni Roxas dahil itinaya nito ang kanyang sariling kaligtasan nang magtungo ito sa T­acloban bago dumating ang unos, habang may unos at pagkatapos ng unos.

“We coordinated. In fact, Sec. Roxas was billeted at the Leyte Park Hotel, one of the structures that was heavily damaged at the height of the onslaught of super typhoon and stayed in Yolanda-hit areas to help return normalcy. We appreciated that very much and we thank the national leadership including the President (Benigno ‘PNoy’ Aquino III) for all the help given to us,” ayon pa kay Romualdez.

Kasama, aniya, si Roxa­s sa pagtataya sa kanyang sariling kaligtasan si Department of Nationa­l Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin kaya dapat umanong kilalanin ang mga ginawa ng mga ito imbes na batikusin.

“He (Roxas) did his honest best and risk his life to warn the people, but he and Sec. Gazmin were victims too. Everyone, including them was overcome by Yolanda, the strongest tropical cyclone on record to make landfall in world history,” ayon pa kay Romualdez. (BTaguinod)