Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paggawa ng pangkontra virus sa ‘Pinas pinaplantsa na

0 275

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng ilang local pharmaceutical company na lumikha ng COVID-19 vaccine dito sa bansa.

Aniya, “Parang dasal natin ito sa gobyerno kasi historically, Philippines one of the laggard sabi nila was because there’s a lot of paperworks and kung ano-anong hinihingi.”

SM food to go Banner Ad

Inutos rin ng pangulo ang kooperasyon at mabilis na pagproseso sa mga permit para maisagawa ito, sabi pa nito, “Itong government procurement of locally produced subject to standard specs and prices, madali lang man ito kung trabahuin mo ito.”

Sa virtual meeting sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na apat na kompanya na ang nagpahayag ng interes para gumawa ng COVID-19 vaccine. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.