Abante Tonite Interactive

Paggunita sa Undas ‘generally peaceful’ – PNP

47

Naging ‘generally peaceful’ ang paggunita ng Undas sa bansa ayon sa ulat kahapon ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr.

“I am happy to report that the observance of our All Saints’ Day and All Souls’ Day was gene­rally peaceful. Thanks to the support of all stakeholders, including the public,” pahayag nito.

Ayon kay Durana, aabot sa 14 milyon katao ang dumagsa sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa para magbi­gay ng respeto sa kanilang mga namayapang mga mahal sa buhay.

Base rin sa monito­ring center ng iba’t ibang ahensiya, sa Metro Manila pa lang ay umabot na sa 2 milyon katao sa mga sementeryo.

Naging maayos ang Oplan Undas ng PNP dahil sa 5,391 police assistance na binantayan ng 27,000 pulis sa buong bansa dagdag pa ang 17,000 road safety marshal na ikina­lat sa iba’t ibang highway upang magbigay tulong sa mga motoristang nanga­ngailangan.

Subalit ayon pa kay Durana, hindi pa tapos ang trabaho dahil sa ina­asahang pagbabalik sa Metro Manila ng mga nagbakasyon sa mga probinsiya simula bukas hanggang sa Lunes.

Ayon kay P/Chief Supt. Corpus, generally peaceful ang Undas 2018 sa Gitnang Luzon.