Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paghahanda ng Taguig sa new normal

0 140

Ang daan patungo sa New Normal ay ang muling pagbubukas ng ekonomiya habang patuloy at mahigpit na sinusunod ang health at safety protocols. Kaya patuloy din dapat ang maigting na pagpapatupad ng mga programa at inisiyatibo laban sa COVID-19.

Ayon sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF), isinailalim sa General Community Quarantine Alert Level 4 mula Setyembre 16 hanggang 30, 2021 ang Metro Manila kabilang ang Taguig. Hindi na bago sa lungsod ang paghahanda para dito, maging ang pagpapatupad ng granular lockdowns.

Marami tayong natutunan kaya matagal na ring kasado ang sistema ng Taguig sa COVID-19 response. Ngayon ay mas pinapalakas pa ng lokal na pamahalaan ang mga programa at Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate (PDITR) strategy nito.

Isa na rito ang enforcement ng lungsod kung saan ang Philippine National Police (PNP), Tapang Malasakit at Disiplina (TMD) units at mga barangay officials ay patuloy sa pagpapatrol at pagbabantay sa lahat ng barangay at siguruhing nasusunod ang health at safety protocols, nasusunod ang curfew hours, walang violations at walang mass gatherings.

Ang Taguig Safe City Task Force (SCTF) naman ang nangunguna sa enforcement ng mga panibagong patakaran alinsunod sa guidelines ng nasyonal na pamahalaan ngayong GCQ.

Regular ang koordinasyon ng Taguig Safe City Task Force sa mga Designated Safety Officers (DSOs) para sa ligtas na pagbubukas ng business establishments at restaurants at maayos na sistema sa COVID-19 case reporting. Dahil dito ay agad ang reporting ng DSO sa Business Emergency Response for Notifiable Infections and Emerging Diseases (BERNIE) sa mga may sintomas, positibong kaso at close contacts.

Nagsasagawa ng masusing inspection ang Taguig Safe City Task Force sa mga establisyemento at sinisigurong may daily guest logbook mula sa DSOs at nasusunod ang lahat ng health protocols. Ito ay para paigtingin pa ang contact tracing at masigurado na lahat ng empleyado ay bakunado.

Bukod dito, mayroong regular meetings ang lungsod sa lahat ng mga barangay, mga negosyo, private establishments, health officials at iba’t ibang opisina at ahensya sa pamamagitan ng New Normal meetings sa Zoom o webinar para sa konsultasyon, pagpaplano at implementasyon ng mga quarantine guidelines.

Mayroon pang inilaang e-mail at hotlines na maaaring i-message o tawagan sa Viber, Whatsapp o text message. Dito maaaring i-report ang complaints at violations sa lungsod.

Araw-araw din ang paglalabas ng anunsyo para sa Taguigeños na kapag may sintomas ay agarang i-report ito upang mahabol ang mga close contacts at ma-test agad. Bahagi rin ng massive information campaign ang pagkakabit ng tarpaulins, signages at PA systems.

Mas aktibo at progresibo ang COVID-19 emergency response sa Taguig dahil sa malapit na koordinasyon ng nasyonal na pamahalaan at pamahalaang lungsod. Bawat impormasyon ay dumadaan sa lahat ng kinauukalan kaya agarang naibababa ang utos at payo sa lahat ng barangay at pribadong sektor.

Sa monitoring at disease surveillance ay mas agresibo ngayon ang Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) sa contact tracing sa tulong ng Emergency Response for Notifiable Infections and Emerging Diseases (ERNIE) teams.

Ang mga datos mula sa Taguig CEDSU at ERNIE teams ay mahalaga para matukoy kung ang isang household, purok, sitio, kalye, compound, subdivision o building ay mayroong hawaan ng COVID-19. Ito ang batayan ng granular lockdown na agad ipinapatupad ng Taguig Safe City Task Force para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Hindi rin tumitigil ang lungsod sa pagsasagawa ng malawakang testing. Mayroong drive-thru testing, mobile testing, Park n’ Test at testing sa lahat ng 31 health centers sa Taguig. Pati ang second level contacts ay sumasailalim din sa testing para mapabilis at mapadali ang paghahanap sa mga nagkakasakit.

Patuloy din ang paalala ng lokal na pamahalaan lalo na sa senior citizens at persons with comorbidities na agad magpabakuna. Accessible, madali at mabilis ang proseso dahil bukod sa vaccination hubs, may mobile vaccination bus at pop-up vaccination sites na umiikot. Innovation din ng lungsod ang pagkakaroon ng RT-PCR testing kasabay nito. May home vaccination service rin para mabakunahan sa bahay ang mga bedridden Taguigeños. Dahil sa agresibong vaccination rollout ng lungsod, ika-apat ang Taguig sa bansa na nakamit ang pag-administer ng one million jabs.

Hindi na natin nais pang dumaan sa mahigpit na lockdowns kaya dapat ay patuloy tayo sa pagiging aktibo at agresibo sa COVID-19 response. Ito ang New Normal sa Taguig.

Ang ating pagkakaisa at bayanihan ang daan upang buksan pa ang ekonomiya, makabalik sa trabaho at tuluyan tayong magwagi laban sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.