Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paghanda sa Pasko

0 439

Nasa kultura na nating mga Pinoy na pinaghahandaan ang Pasko. Sa katunayan, pagpatak ng unang araw ng Setyembre, maririnig na natin ang mga tugtuging pampasko. Itong taong ito, pandemya man o hindi ay walang pagkakaiba. Andoon pa din ang paghanda na muling makasama ang mga pamilya at mahal sa buhay. Ngunit dahil andyan pa din si Covid19, kakaiba angpagdiwang natin ngayon. Ang una ay ang magkitakita. Dahilnaka quarantine pa tayo, hindi pa din maaaring lumabas ng bahay ang mga higit 65 at wala pang 15 anyos. At bawal pa din ang magpulong pulong ng hihigit sa sampung katao. Patipagbyahe ay linilimitahan din. Kung kaya’t karamihan ay magkikita sa pamamagitan ng virtual gatherings. Kahit na hindipisikal na andoon ay makikita pa din natin ang isa’t isa at mararamdaman ang pagmamahalan.

Ang handaan ngayon ay tuloy pa din, ngunit masisiguro natin naimbes na sa isang lugar lang ang kainan, ay ipapadala na lang saiba’t ibang bahay nang sa ganoon ay matitikman pa din ang mganakasanayang putahe. Paalala lang na sana mas maaga aga ng kaunti ang padala para may siguradong maghahatid pa nacourier service. At dahil ibabyahe pa ang mga ito, siguraduhingmaayos ang paghanda at pag empake nito nang sa ganoon ay hindi masira at maenjoy pa ito ng husto. Sa ibang bansa, dumadalaw sila sa bahay ng mga mahal sa buhay, ngunithanggang labas lamang. Paligsahan sa pagabot ng regalo. Ang iba ay gumagawa ng slide, ang iba naman ay gumagamit ng mgalubid, tali o panungkit.

Pati na din ang mga aginaldo ay maaari na din ipahatid. O kung walang maisip ay pwedeng magpadala sa pamamagitan ng online banking o idaan sa virtual wallet. Maging ang caroling ay pinagbabawal din, ngunit, maaari pa din tayong maghatid ng mga awitin sa pamamagitan ng virtual caroling o performances.

Ngunit sa pagkakataon na talagang pisikal na magkita. Please lang po, huwag natin kalimutan ang minimum health requirements. Ang pagsuot ng face mask at face shield, maghugas ng kamay at magdisinfect, at panatiliin ang social distancing. Kung kakain, huwag masyadong magsalita ng malakas at ibalik ang mask sa oras na hindi na kumakain. Sa kasamaang palad, kahit magkita kita, kailangan nating iwasanang magyakapan at humalik o kahit besobeso. Maiintindihannaman siguro tayo ng mga nakakatanda. Para di ito sakapakanan nila para dumami pa ang mga paskong pagsasaluhan.

Maligayang Pasko sa inyong Lahat!

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib saDWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.