Abante Tonite Interactive

Pagharang kay Morales sa HK, ‘di kailangang iprotesta — Palasyo

302

Malamig ang Malacañang sa hamon ng isang senador na iprotesta ang ginawang pagharang ng Hong Kong immigration kay da­ting Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nila maaaring panghimasukan ang batas sa immigration ng ibang bansa gaya ng inaasahan nilang hindi rin pakikialam ng ibang bansa sa mg immigration law sa Pilipinas.

Hindi naman aniya pinaba­yaan si Ombudsman Morales at ang pamilya nito dahil inalalayan sila ng mga opisyal na nakabase sa Hong Kong.

“We cannot intrude into the immigration laws of any country, in the same way that we expect that they cannot intrude into ours,” ani Panelo.

Binigyan-diin ni Panelo na walang opisyal na pahayag ang Hong Kong kung bakit hinarang si Morales sa international airport doon at ang dating Ombudsman lang at Hong Kong immigration ang nakakaalam.

“We feel that its between the former Ombudsman Conchita Morales and the Chinese government in what transpired there because I think there was no official communication to her as to the why’s and the wherefore’s in the delay of the entry of her and her family,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi rin masabi ng kalihim kung may kulay-politika ang na­ging aksyon ng gobyerno ng China laban kay Morales, lalo na at isa ito sa mga nagsampa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court.

“We do not know. Only the former Ombudsman would know how to perceive or think about any actions of the Chinese government against her,” wika pa ni Panelo.­(Aileen Taliping)