Abante Tonite Interactive

Paghatak ng towing company pinatigil ng MMDA

By
1,410

Sinuspende ang isang towing company ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) matapos itong maningil ng halagang P1,500 sa lumabag sa anti-illegal parking at sa halip na dalhin ang nahatak na motorsiklo sa impounding area ng ahensiya ay dineretso ito sa kanilang garahe sa A. Bonifacio, Balin­tawak, Quezon City.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, pinatawan nila ng indefinite suspension ang Arrom Towing Services matapos magreklamo ang may-ari ng motor na nakilala sa pa­ngalang Johny, na na­ging dahilan para magkasa ng entrapment ope­ration ang MMDA.

Ayon kay Garcia, ang naging hakbang ng mga tauhan ng towing company ay isang paglabag sa patakaran na pinatutupad ng MMDA na lahat ng nahatak na sasakyan ay dapat dalhin sa impounding site ng MMDA at wala nang iba pa.

Nanawagan si Garcia sa lahat na naging biktima ng naturang towing company na magsampa ang mga ito ng reklamo.