Paghigpit ng negosyo sa ‘Pinas lalatay sa pautang

185

Dahil sa ­paghihigpit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa water concession agreements ng Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc., at bantang ‘di pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN ay nalalagay sa panganib ang mga negosyo sa bansa.

Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, sa isang ­report.

“The ­continuing rants cannot but put these business groups in a somber mood, ­especially given the ­President’s strong ­one-sided demands,” nakasaad sa report ng consulting firm.

Ang tinutukoy ni Bernardo ay ang alok ni Duterte na bagong kontrata sa Manila ­Water at Maynilad sa kundisyong kapag tinanggihan ng dalawang water firms ang bagong ­kasunduan ay ­kakanselahin ang kanilang kontrata.
Nagpahayag din ng paniniwala si Bernardo na magiging higit na mapagbantay ang mga investor at creditor sa regulatory environment at kalaunan ay maaaring ­magresulta sa mas mataas na loan rates kung saan mapipi­litan ang parent firms na pumayag sa ‘robust gua­rantees’ sa kanilang mga project loan.

>

Giit pa ni ­Bernardo, kailangang ­bantayang mabuti ang political at regulatory risks sa mga pangmatagalang proyektong pang-imprastruktura.

“Higher risk assessments that lead to larger risk premium on lending and/or stronger parent firm guarantees to secure credits would spell bad news for PPP pro­jects and government efforts to build up the country’s infrastructure, something that would extend well beyond the term of this administration,” nakasaad pa sa ­report.

Nauna na ring ­nagbabala ang Fitch Solutions Macro ­Research na ang desisyon ng pamahalaan na ­baguhin ang ­kontrata sa Maynilad at ­Manila Water ay magla­lagay sa ­private firms ­contracting sa ­gobyerno sa ‘high ­regulatory risk’. Ang kanilang umiiral na concessions at magte-take over ang ­gobyerno sa water services sa bansa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...