Abante Tonite Interactive

Paghimay sa presyo ng petrolyo pinapahinto ng mga kompanya ng langis

261

Naghain ng petisyon ang grupong Phi­lippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DOE) na “unbundling” o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inihain ng PIP sa korte ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restrai­ning Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular No. DC2019-05-0008 ng DOE.

Sa Hunyo 29 nang taong kasalukuyan ang epek­tibo ng circular.

Sa utos na ‘unbundling,’ obligado ang mga kompanya ng la­ngis na ipaalam sa DOE ang detalyadong computation at ipaliwa­nag ang dahilan ng pagbabago sa presyo ng langis.

Dapat ipaalam sa DOE ang adjustments sa petrolyo ng hindi lalampas ng alas-tres nang hapon isang araw bago ito ipatupad.

Para naman sa LPG, dapat mapaalam ng mga kompanya ang price adjustment ng hindi lalampas sa ka­tapusan pa ng buwan.

Ayon sa PIP, layon ng petisyon laban sa utos ng DOE na maprotektahan ang oil industry at ang publiko.

Ang utos ng unbundling ng DOE ay layong maipaalam sa publiko kung makatwiran ang price adjustments ng oil companies. (Armida Rico)