Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paghinga ng malalim pantanggal tensiyon

0 145

Mainam umanong pampakalma ang paghinga ng malalim para mawala ang kaba at nerbiyos.

Ayon kay Scott Dehorty, Licensed Certified Social Work-Clinical (LCSW-C) ng Delphi Behavioral Health, mabuti itong gawin kung ikaw ay magsasalita sa maraming tao o ‘di kaya ay kung nakakaramdam ng pagkadismaya.

Ang malalim na paghinga ay makakatulong para makaalis ng stress, upang kumalma.

May mga bagay pa rin na maaring gawin upang maiwasan ang full blown panic attack bukod sa paghinga ng malalim.

“Breathing is the number one and most effective technique for reducing anger and anxiety quickly,”ayon kay Dehorty.

Kung ikaw ay ninenerbiyos o pressured dapat huminga ng malalim , isang mensahe rin ito sa utak kung ano ang hakbang na susunod gawin.

Kabilang din ang pagmasahe sa iyong kamay para kumalma ang sarili at napakadali nitong gawin, pisilin ng thumb ang kabilang kamay at gawin ng parehas sa magkabilang kamay at sabayan ng malalim na paghinga.

Maari rin na ipikit ang mga mata dahil ayon kay Elaine N. Aron, PhD, 80 porsiyento ng sensory stimulation ay nanggagaling sa mata para mabigyan ng panandaliang break ang utak.

Mag ‘stretch’ para mailabas ang tension na ayon kay Kelli Segars, personal trainer at founder ng Fitness Blender, ang stretch ay nakakapagpainam sa flexibility, mailabas ang tight muscles, makakatulong na maalis ang sakit sa ulo at maibababa ang stress level.

Bilangin ang daliri para maalis ang anxiety at nerbiyos na ayon kay Dr. Jud Brewer, psychiatrist at neuroscientist habang humihinga ng malalim at kinukondisyon ang sarili na kumalma.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.