Abante Tonite Interactive

Paghingi ng tawad

366

Dear Dream Catcher:

Nanaginip po ako ng masama, May kamag-anak po kasi kami na nakaaway ng pamilya ko at kasama po doon ‘yung paborito kong pinsan.

Sa panaginip ko humihingi po sila ng tawad at hindi na sila kagaya ng dati na masama. Sinabi nila na nami-miss na nila ako. Pero naalala ko po na andami nilang ginawang masama sa nanay ko pati na din sa buong pamilya ko kaya hindi ko sila pinatawad bagkus ay tinalikuran ko sila at iniwan.

Ilang beses daw akong nagpalaboy sa isang palengke hanggang sa nakita kong hinahanap ako ng aking tatay.

Ano po kayang ibig sabihin ng paniginip ko? Hanggang ngayon nalulungkot po ako dahil sa totoo lang po sa pana­ginip ko po ay naiyak po ako ng matindi nahagulhol na parang nasasaktan.

Kim

Dear Kim

Ang panaginip tungkol sa pamilya ay isa sa mga common dreams lalo na sa mga kabataan na malapit sa kanyang pamilya. Ang ganitong pana­ginip ay reflection ng reyalidad, nga katotohanan.

Related Posts

Ang iyong panaginip ay umikot sa mga kamag-anak mo na nakaaway ng pamilya mo. Sa panaginip, sinabi ng iyong mga kaanak na nami-miss ka nila. Pero sa pagkakataong ito, ang mga pangyayari sa iyong panaginip ay representasyon ng iyong nararamdaman. Sa aktuwal­, kung magiging tapat ka sa sarili mo, mare-realize mo na ikaw ang totoong nakaka-miss sa kanila lalo na sa paborito mong pinsan. Ang paghingi nila ng tawad ay wishful thinkin­g dahil sa katotohanan ay ito ang gusto mong gawin nila para matapos na ang awayan.

Sa iyong panaginip, kitang-kita na hanggang ngayon ay hurt ka pa rin sa nangyari.

Kadalasan ang ganitong panaginip ay paraan ng iyong isip para paghilumin o paga­lingin ang anumang sakit na dulot ng nakaraan.

Makabubuting ikaw na ang magpatawad kahit hindi mo ito gawin sa aktuwal, kaila­ngan mo ring patawarin na sila sa iyong puso. Dahil apektado ka hanggang ngayon at ito’y ipinakita ng iyong subconscious. Mas mabuting magpatawad kaysa mabuhay nang may galit. Kung hindi mo man aktuwal na gawin ang pagpapatawad, kung hindi mo man ito sabihin nang personal sa kanila, makakapag-umpisa ka pa ring mag-move on.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.