Abante Tonite Interactive

Pagiging kabit ni Yam tatapusin

0 372

Nalalapit na ang pagtatapos ng seryeng “Halik” ng ABS-CBN at aminado ang isa sa lead stars nito na si Yam Concepcion na marami siyang mami-miss dito.

Kabilang na raw ang mga basher na madalas siyang pag-initan dahil sa role niya sa ser­yeng tinatampukan din nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos, at iba pa.

Kabilang sa mga tawag sa kanya ng bashers ay cheap, insecure, bitch, kabit, Jade higad, at kung ano-ano pang masasakit na salita.

Abante Hiring – IT dep

Pero madalas na tinatawanan na lang daw ni Yam ang mga ganitong pamba-bash sa kanya dahil sa role niya sa serye bilang kabit.

May instance pa na sinabi niyang, “Mabuhay ang Team Kabit!”
“Ayun, thank you, but… parang ‘yung mga bash na ‘yon, minsan it hurts me. Especially in the beginning, nahu-hurt ako, kasi tao lang ako. But alam n’yo, parang after a while ay masasanay ka na lang, na parang matatawa ka na lang sa kanila.”

Ano ang reaksyon niya na ang tawag na sa mga kabit ngayon ay Jade?
Natatawang tugon ni Yam, “Okay na rin, maganda ‘yon. I think it’s a compliment na ginawang… kasi cha­racter lang naman iyon, hindi naman ako iyon.”

Anyway, tutukan ang mas matindi at mas palaban na magiging tapatan nina Lino (Jericho), Jade (Yam), Jacky (Yen) at Ace (Sam) ngayong pagdaraanan nila ang pinakamatitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling dalawang linggo ng “Halik.” (Nonie Nicasio)