Abante Tonite Interactive

Pagiging Team ‘Pinas coach ni Guiao kinumpirma na ng SBP

By
0 254

Kinumpirma na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang appointment kay Yeng Guiao bilang coach ng national team.

Inumpisahang hawakan ni Guiao ang Team Pilipinas na dumayo sa Asian Games sa Indonesia noong ­Agosto, at sa dalawang laro sa huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers nang mag-1-1 ang Filipinos.

“Coach Yeng will now be the man at the helm of the Gilas Pilipinas (National Team) program,” anang statement ni SBP president Al Panlilio. “He takes charge in the formation and training of the ­Gilas Pilipinas basketball team.”

Abante Hiring – IT dep

Mabigat ang pangunahing misyon ni Guiao na giyahan ang Pilipinas laban sa iba pang national teams sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifying tournaments, at para mag-qualify sa 2019 FIBA World Cup.

Nagawa na ni Guiao ang unang hakbang – magbuo ng 20-man pool na pagkukunan ng isasabak sa next window ng FIBA WCAQ.
Ang susunod na window ay dalawang home games ng Pilipinas sa MOA Arena – kontra Kazakhstan sa Nob. 30, at laban sa Iran sa Dis­yembre 3.

“This appointment will be up to the 2019 FIBA World Cup in ­China,” dagdag ni Panlilio.