Abante Tonite Interactive

Pagkain ng kasoy, may bisa pala

691

Alam n’yo bang malaki pala ang benepisyong taglay ng kasoy sa katawan ng tao? Mula ugat hanggang bunga ay nakapagpapagaling ng ibat ibang sakit.

Ang bunga nito ay makukuhanan ng starch, sitosterin, cardol, anacardic acid, at lignoceric acid. Dahil ang langis ng kasoy ay mayroong linolic acid, palmitic acid, stearic acid, lignoceric acid, at sitosterin.

Sa buto naman ay may taglay naman na langis, protina, nitrogen, crude fiber, at carbohydrates.

Ang sanga nito ay mayroong catechin habang ang dahon naman ay mayroong carbohydrates, proteins, saponin glycosides, flavonoids, alkaloids, tannins, at phenolic compounds.

Ang kasoy ay kilalang tanim dahil sa buto nito na tila mani at paboritong kainin ng mga Pilipino. Ito ay may puno na may katamtamang taas lamang at namumunga ng mamulamula o madilaw. Ang kilalang katangian ng halamang ito ay ang pag-usbong ng buto sa labas ng bunga. Tumutubo ito sa kahit saang lugar sa Pi­lipinas at mga bansang nasa rehiyong tropiko.

Narito naman ang mga sakit na maaaring malunasan ng pagkain ng “Isang prin­sesa nakaupo sa tasa, Kasoy”.

1. Pananakit ng ngipin. Ipinangmumumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy at dahon ng kasoy upang mabawasan ang pananakit ng ngipin.

2. Sore throat. Ang pananakit ng lalamunan ay maaari ding maibsan sa pamamagitan ng pagmumumog sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasoy.

3. Pagtatae at disinterya. Pinakukuluan ang bunga ng kasoy sa tubig na hinaluan ng asukal upang maibsan ang pagtatae. Maaari din gamitin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasoy.

4. Diabetes. Ginagamit sa kondisyon ng diabetes ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasoy. Ito ay pinaiinom sa taong dumadanas ng sakit.

5. Scurvy. Makatutulong naman ang pagkain sa bunga ng kasoy para agad na gu­maling sa sakit na scurvy o eskurbuto.

6. Psoriasis. Ginagamitan naman ng langis ang balat ng apektado ng psoriasis.

7. Problema sa pag-ihi. Ang pag-inom sa katas ng bunga ay makatutulong naman sa problema sa pag-ihi.

8. Rayuma. Nakatutulong din sa pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kasoy.