Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkain sa bubble di’ na bitin – Nambatac

0 184

Hindi maikakaila na isa sa mahalagang bagay para sa recovery ng mga atleta matapos ang isang game o training ay ang pagkain.

Sa pagbisita ni Rain or Shine Elasto Painters guard Rey Nambatac sa Abante Sportalakan ni Sarah Jireh Asido Miyerkoles, ibinahagi niya ang kanilang request sa hotel chef ng Clark bubble na dagdagan ang serving ng kanilang pagkain para narin sa kanilang pambawi lakas, na tinupad naman agad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nung first three days yata namin medyo nahihirapan kami sa food kasi nga yung serving nila nung una hindi talaga siya totally (para) makarekover kagad so nahirapan kami. Buti nalang mga manager, coach namin gumawa ng paraan,” kwento ng 26-years-old cager.

Dinagdag pa ni Nambatac, “Kinausap nila ‘yung chef na kung pwede dagdagan nila yung food ng konti tapos kapag may game dapat yung food na ise-serve nila after game dapat heavy meal talaga para totally makarekover kasi every other day ang game eh.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.