Abante Tonite Interactive

Pagkakaiba ng Alimbuyugin at Mayahin

Dalusapi

By
1,267

Nagbabasa ako ng mga komento sa nai-post ko na mga picture sa Facebook, biglang nag-PM sa akin si Pablito Marquez, bagito lang daw siya sa pagmamanok at sa tupadahan lang daw siya nagsasabong.

Nagtanong sa akin kung ano ang pagkakaiba ng Mayahin at Alimbuyugin.

Klasmeyt na Pablito, pula at parehong itim ang mga paa nila pero pagdating sa balahibo sa puno ng buntot na parang bulak ay makikita mo ang pagkakaiba dahil puti ang balahibo ng Mayahin habang itim sa Alimbuyugin. Madaling malaman ang itsura ng Alimbuyugin dahil itim ang paligid ng kanilang mga mata.

***

Hindi na talaga maiiwasan ang sabitan sa sabungan, yung iba ilang ulit na ipinakukulong pero talagang makakapal ang mukha ng mga yan, sasabit at sasabit pa rin sila.

Ang magandang gawin na lang eh piliin ninyo ang makakapustahan ninyo sa trabisya, hangga’t maaari eh ‘yung mga may ID na lang ang pustahan ninyo para sakaling magkaaberya ay mababayaran pa rin kayo. Puwede rin na mga kakilala nyo para kahit paano ay masisingil ninyo pa rin sila at hindi makakatakbo.

***

Mga kasabong bibitawan ang Manila Challenge 6-Cock All-Star Invitational Derby na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 28. Tiyak na kasali dito si Dennis De Asis, kaya siguradong maganda ang shapolan. Good luck po sa mga kasali.

***

Sa mga klasmeyt natin sa Ilocos, good luck din sa laban ninyo sana suwertihin na kayo ngayong Linggo.