Abante Tonite Interactive

Pagkakaisa laban sa korupsiyon, krimen at kahirapan

By
1,907

Iginiit ni Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, panauhing pandangal sa pagdiriwang kahapon ng ika-120 Araw ng Kalayaan sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento, Caloocan, na hindi kaila­ngang magbuwis ng buhay para lang tangha­ling bayani, maging ang mga buhay ay maaaring maging bayani.

Pinuri ni Lim ang kabayanihan ni Bonifacio na naging utak ng rebolusyon kaya nakamtan ng bansa ang kala­yaan laban sa mga dayuhang mananakop noong Hunyo 12, 1898.

Sa pahayag ni Lim, maaaring maging ba­yani ang mga taong sumusunod sa batas-trapiko, nagtatapon ng basura sa tamang tapunan at may malasakit sa kapwa.

Abante Hiring – IT dep

Ayon naman kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, nakamit na ng bansa ang kalayaan pero hindi pa nakakalaya sa KKK – Korupsiyon, Krimen na may kinalaman sa iligal na droga at Kahirapan – ang sambayanang Filipino.

Hinikayat ng alkalde ang pagkakaisa ng mga taga-Caloocan na tulungan siyang laba­nan at suportahan ang mga proyektong susupil sa tatlong pangunahing problemang ito.