Abante Tonite Interactive

Pagkakaisa ng mga Pinoy masusubok sa krisis

0 337

Dear Abante Tonite:

Kitang-kita ang pagkakahati sa opinion at saloobin ng mga kababayan natin sa gitna ng krisis na ito.

Marami na ang mga nasabi patungkol sa public service, servant leadership, at tunay na pagmamalasakit sa bayan. Marami na rin ang nagpahayag ng boses nila sa mga nailatag na rules kaugnay pa rin ng enhanced community quarantine.

Sa totoo lang nakakasawa nang magbasa at tumingin sa social media. Pero sa ganang akin, dito sa ganitong pagkakataon nasusubok ang ating pagkamamamayan.

Tinitingnan sa suliraning kinakaharap kung paano tayo bilang mga Pilipino. Pananaigin ba natin ang espiritu ng bayanihan at pagmamahal sa bayan o mas pipiliin natin na magbigay ng kritisismo at mga puna na hindi nakakatulong sa problema?

Robert Antonino