Abante Tonite Interactive

Pagkakaisa sa Eid’l Adha

By
8

Pagkakaisa ang naging mensahe ng ilang senador kaugnay sa paggunita kahapon ng Eid’l Adha.

Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, ang okasyon na ito para sa mga kapatid na Muslim ay isang panahon upang pagnilayan ang kahalagahan ng pagsasakripisyo sa kanilang pananampalataya.

Kaya naman, ito na rin umano ang pagkakaton upang makiisa rin ang lahat sa kanilang pagninilay.

Binigyang-diin naman ni Senador Leila de Lima na ang kahalagahan ng okasyon bilang pagpapaalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at sakripisyo ng bawat  isa upang matamo ang anumang hinahangad na kaunlaran.

“I wish our Muslim brothers and sisters a truly meaningful Eid’l Adha. May the sacrifices of our predecessors serve to inspire us to stand stronger together and work towards unifying our nation and pursuing the welfare of our people, Eid Mubarak,” ang naging mensahe ni Sen. Grace Poe.