Abante Tonite Interactive

Pagkalas sa UNHRC ‘di kailangan – Lacson

349

Tutol ang si Senador Panfilo ‘Pimg’ Lacson sa panukalang pagtalikod ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kasunod ng pagpapatibay ng resolusyon para imbestigahan ang war on drugs sa Pilipinas.

Ayon sa senador, hindi nararapat ang nasabing hakbang dahil kakailanganin pa rin ng Pilipinas ang tulong ng ibang bansa sa hinaharap.

“At the rate we are withdrawing from the different UN bodies, it may be a matter of time when we will be left to our own devices,” sabi ni Lacson sa Twitter.

“We do not know when, but being a developing country, we may need to knock on the doors of the community of nations sooner or later,” dagdag nito.

Una rito, nirekomenda ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddyboy’ Locsin Jr. na sundin na lang ginawang pagkalas ng Estados Unidos sa UNHRC.

Naniniwala naman si Senate President Vicente Sotto III, na alam umano ni Locsin ang mas ma­kabubuti sa bansa hinggil sa diplomasya. (Dindo Matining)