Abante Tonite Interactive

Pagkalat ng diphtheria sa Pangasinan ikinaalarma

161

Ikinabahala ng Provincial Health Office-Pangasi­nan (PHO-Pang) ang pag-akyat ng sakit na diphtheria sa lalawigan ng Pangasinan nang makumpirmang lima ang nagkasakit dito.

Ayon kay PHO-Pang director Dr. Ana Marie de Guzman, pinakahuli sa mga ito ay naitala sa bayan ng Urbiztondo habang ang iba ay sa Santa Maria, Mapandan at sa mga lungsod ng San Carlos at Alaminos.

Ipinaliwanag ni De Guzman na buhay naman ang mga naging biktima ng naturang sakit subalit nakakaalarma aniya ang pinakahuling kaso kung saan isang 22-anyos ang biktima.

Dahil dito’y ipinayo ng doktora ang muling pagpapabakuna ng booster laban sa diphtheria.

Ang diphtheria ay isang uri ng bacterial infection na nakakaaapekto sa mucos membrane ng isang biktima na karaniwang kumakapit sa mga bata.

Maaari itong maiwasan at magamot subalit kung hindi maaagapan ay maaaring ikamatay. (Allan Bergonia)