Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkalat ng `Tiktok’ porn video pinaaawat

0 775

Kumakalat ngayon sa sikat na app na “Tiktok” ang ilang porn videos kung saan ipinapakita ang aktwal na pagtalik ng isang lalaki at babae.

Apat ang video na ang pinakamatagal ay halos isang minuto. Tila iisa lang ang mga may gawa ng mga video dahil sa iisang lugar lang ito nangyari pero nahati sa apat ang eksena. Kapwa may face mask ang lalaki at babae.

Umani na ito ng iba’t ibang mga reaksyon sa mga netizens lalo na sa mga magulang na hiniling na alisin agad ang nasabing post. Umalma na rin ang iba dahil kabastusan anila ito na madaling makita ng mga kabataan.

Ang Pilipinas ay aktibo sa mga ganitong uri ng social media platform. Karamihan sa mga Pinoy ay gumagamit nito lalo na ngayong panahon ng quarantine kung saan marami ang hindi nakakalabas.

Hindi naman matukoy kung Pinoy ang mga nasa malaswang video o mga dayuhan. Pero maraming nagsasabi na mga Pinoy ang bida sa video.

Lumabas ang nasabing Tiktok porn video sa likod ng pag-ban ni US President Donald Trump sa nasabing app. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.