Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkalkal sa Ongpin drug case tapos na

0 74

Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation at isusumite na ng prosecutors sa resolusyon sa kasong illegal drugs laban kay Julian Ongpin.

Nabatid kay Prosecutor Honey Delgado ng Office of the Prosecutor General na si Ongpin, 29, at kinatawan ng Philippine National Police (PNP) ay dumalo sa pagpapatuloy ng preliminary investigation.

“The respondent (Ongpin) submitted his supplemental counter-affidavit copy furnished the complainant. Upon joint motion of the parties and considering that no new matters (or) issues were raised by both parties, the case was submitted for resolution,” ayon kay Delgado.

Magugunita na si Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin, ay nakumpiskahan ng 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng tinutuluyang hostel sa San Juan, La Union, noong Setyembre 18 kung saan ang kasintahan nito at artist na si Bree Jonson ay natagpuang patay sa comfort room.

Alinsunod sa Dangerous Drugs Act, may katapat na habambuhay na pagkabilanggo at multa na P500,000 hanggang P10 milyon ang sinumang makukunan ng mahigit sa 10 gramo ng cocaine, opium, heroin, morphine, at marijuana.

Naniniwala naman ang ina ni Jonson na hindi ito nagpakamatay.

Samantala, base sa awtopsiya ng PNP, si Jonson ay namatay dahil sa asphyxia o kawalan ng oxygen. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.