Abante Tonite Interactive

Pagkampi ni Duterte sa China sa basketball, barado kay Hontiveros

0 363

Dismayado si Senador Risa Hontiveros sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas ma­buting mag-cheer sa China kaysa Pilipinas sa darating FIBA World Cup.

Ayon kay Hontiveros, hindi na nga umano ipinagtanggol ang mga Pilipinas sa pinaagang teritor­yo sa South China Sea ay nagawa pa nitong kampihan ang China sa basketball.

“Gaano ba kahirap kampihan at ipagtanggol ang Pilipino? Pati ba naman sa basketball, hindi magawang kampihan?! #LabanGilas,” pahayag ni Hontiveros sa kanyang Facebook account.

Abante Hiring – IT dep

Naunang nang kinumpirma ni Duterte na manood siya ng laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China.

Unang makakalaban ng Gilas ang Italy sa Agosto 31, na susundan ng laban kontra Serbia sa Set­yembre 2 at Angola sa Setyembre 4.

Sakto umano ito sa kanyang pagbisita sa China kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon para makapanood ng laro ng Gilas.

Pabiro namang sinabi ni Duterte na walang tiyansa ang Gilas sa Italyano dahil malalaki ang mga ito katulad ng Croation kaya mas mainam na pumusta na lang ang mga Pilipino sa koponan ng China.

“May basketball ngayon eh. World FIBA… Ang problema ang unang kalaban natin Italy. Wala. Ang sunod — ah wala talo tayo sa Croatia. Wala — walang laban,” sabi ng Pa­ngulo. (Dindo Matining)