Abante Tonite Interactive

Pagkauhaw ng mga bakwit sa Taal pinawi ng Manila Water

0 252

Napawi ang matin­ding uhaw ng libo-libong mga pamilyang apektado ng biglang pagsa­bog ng Bulkang Taal na nasa iba’t ibang evacuation area sa lalawigan ng Batangas at Laguna nang dumating ang mga ipinadalang water tanker ng Manila Water at Ayala group na nagkaloob sa kanila ng potable water.

Tila nabuha­yan ng loob ang libo-libong pamilyang nagsilikas nang dumagsa sa kanilang evacuation a­reas ang halos 30 water tankers na inisyal na nagdala ng 248 cubic meters ng tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna, na anila’y kailangang-kailangan nila.

Kahapon, ang water tanks ay ikatlong ulit nang nagpa-refill sa Laguna Water kung saan halos 10,000 evacuees ang nabigyan ng libreng potable water.

Nitong January 13, 2020, nagpadala naman ang Manila Water ng 30 water tanker trucks sa Balara headquarters sa Quezon City at naghatid ng 248 cubic meters ng inuming tubig sa 19 eva­cuation centers sa Batangas at Laguna, at doon ay nakahimpil ang kanilang mga water tankers.

Sa pakikipagkoordinasyon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction at Management Office (Batangas PDRRMO), ay patuloy ang ginagawang pag-ayuda ng Manila Water sa mga evacuee sa bayan ng Sto. Tomas, Tanauan City, Lipa City, Batangas City, San Pascual, San Luis at Cuenca, kabilang ang Tagaytay City at Alfonso in Cavite, upang mabigyan ang mga ito ng malinis na inuming tubig.