Abante Tonite Interactive

Pagkawala ni Lee Seung Gi ‘di matanggap ng mga fan

By
507

MULING napanood ang South Korean Superstar na si Lee Seung Gi bilang host at National Producer representative sa survival reality show na “Produce 48” ng Mnet nitong Friday nang gabi sa episode 8.

Lumikha ng ingay ang hindi pag-appear ng ­singer/actor/host sa episode 6 at episode 7.

Ilang netizen ang nagkukuwestiyon sa absence ni Seung Gi, sa kabila ng statement na lumabas na nagsasabing dahil sa conflict of schedules. Hindi ito nakarating ng taping at sa halip, ang co-artist niya sa Hook Entertainment na si Bora ang pan­samantalang humalili rito.

Ang “Produce 48” ay kinabibilangan ng 92 trainees pero dahil sa eli­mination na nangyayari, nasa 30 girls na lang.
Kanya-kanya rin ang mga fan, ang mga trainee mula sa Korea at Japan. Karamihan pa sa mga ito ay mga bagets talaga na basta na lang “kuda nang kuda”.

Ilan sa kanila, kinuwestiyon nga ang absence ni Seung Gi. May nagsabing sana raw hindi na lang tinanggap ni Seung Gi kung hindi naman pala magagampanan nang buo. At idinikit din na sa episode 1 & 2 ay wala pa rin ito, sa kabila ng katotohanan na mismong ang PD ng show na si Ahn Joon Young ang nagpaliwanag kung paano niya kinumbinsi ang Hallyu star na tanggapin ang “Produce 48” pagkatapos ng multiple offers nila.

Na hindi talaga sila kumuha ng ibang host dahil si Seung Gi lang ang alam nilang karapat-dapat na maging National Producer Representative. At ang good image at personal achievements nito sa career ay magiging bentahe na ng show.
Na-miss ng karamihan, lalo na ng mga sumusubaybay sa show si Seung Gi kaya marami ang natuwa nang mapanood itong muli noong episode 8 at nasa teaser na rin ng episode 9.

Naglabas ng artikulo sa isang news site sa South Korea na trinanslate ng ilan fan ang content, kabilang na ang blogger fan ni Seung Gi na si Tryp.

Dito, malinaw na ipinaliwanag sa lahat kung bakit kinailangang isang katulad ni Lee Seung Gi ang host ng survivor reality show na ito.

Ayon sa writer, “The real role Lee Seung Gi plays on P48. Why P48 kept sending love calls to LSG despite knowing beforehand his schedule conflicts… He’s not there to just say ‘It’s Showtime’.

As a successful multi-entertainer, he’s a great mentor to give encou­ragement & advice to the trainees.
“P48 is not a program to make the MC shine; instead, the focus is on the trainees. LSG knows that well, & works very hard in his role. He has given a lot of advice to the trainees, even off camera.”

Makikita nga rin sa teaser for episode 9 ang sorpresang pagbisita ni Seung Gi sa dorm ng mga trainee.

Anyway, hindi talaga biro ang mga schedule ni Seung Gi. Siya lang yata among Korean stars ang lumalagare sa dalawang variety show, ang “Jibsabu” or “Master in the House” at “Produce 48” at nagpi-filming ng isang napakalaking drama, ang pre-produced drama na “Vagabond” ng SBS.

Not to mention pa, his other commitments tulad ng recent guesting niya sa concert ni Psy at paggawa ng CF (commercial film). Posibleng ngayong Linggo ay lumipad na rin ito papuntang US. Dito, kukuhanan ang “Jibsabu” and rumors are, posible rin siyang isa sa mga guest sa concert sa America ng kanyang mentor/teacher na si Lee Sun Hee.
Kung may sigurado man, Seung Gi is definitely the busiest top star in South Korea. ()