Abante Tonite Interactive

Pagkikita nina Gabbi Garcia at Karylle, precious moment

By
19

Sa isang lifestyle event nagkita sina Gabbi Garcia at ang dating gumanap bilang Sang’gre Alena na si Karylle.

Isang precious moment ito para sa mga Encantadiks dahil sa wakas ay nagkaroon na ng personal encounter ang dalawa.

Nagbunyi ang netizens nang makapagpa-picture na sila sa isa’t isa.

Itinuturing ito ni Gabbi bilang maagang regalo sa kanyang nalalapit na 18th birthday.

Hasne ivo live (Happy birthday), Gabbi!

Pagiging pintor, kina-career din ni Solenn
‘I let my thoughts go through my canvas’

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Si Solenn Heussaff ay kabilang sa mga artistang isinasapuso ang sining.

Maliban sa pagiging modelo at aktres, malapit sa puso ni Solenn ang pagiging pintor.

Aniya, “With painting, I’m just being honest with myself. I let my thoughts go through my canvas,” pahayag ni Solenn.

Sa gaganaping exhibit ng GMA Network ngayong Nobyembre, tampok ang isa sa artworks ni Solenn.

Iniimbitahan niya ang mga kagaya niyang mahilig sa art na puntahan at tingnan ang iba’t ibang artworks na idi-display rito. Maaari ring bilhin ng art collector ang kanyang painting na pinamagatan niyang Stand at ang halagang makukuha ni Solenn para rito ay ido-donate niya sa GMA Kapuso Foundation.

***

Back-to-back-to-back ang Kapuso mall show ng Oh My Mama, Sa Piling ni Nanay at Hahamakin ang Lahat sa Linggo (November 13) ng 5:00 PM sa Starmall, San Jose del Monte, Bulacan.

Magpapasaya rito sina Inah de Belen & Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi & Mark Herras at Joyce Ching & Kristoffer Martin.

Andiyan din sina Katrina Halili, Gabby Eigenmann, Thea Tolentino, Ashley Ortega, Analyn Barro, Bruno Gabriel at  Renz Valerio.

***

Panalo sa events si Victor Basa na nga­nga ang showbiz career ngayon.

Host-host at usher-usher siya ng mga anik-anik na events with wine, crackers and cheese.

Ang ex niyang si Divine Lee ay nakatakdang ikasal sa yayamanin na Chinese businessman na si Blake Go.

Go, go, go!

Kasal nina Sarah at Matteo, inaabangan na

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Nag-viral ang Instagram post ni Dr. Hayden Kho Jr. habang nagwo-work out siya kasama ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nananatiling matatag ang relasyon nina Sarah at Matteo, at inaabangan ng marami kung kailan na ba sila pakakasal!

***

Simula Nobyembre 14, mapapanood na tuwing 9:40 AM ang GMA Heart of Asia Presents kung saan tampok ang ilan sa mga sinubaybayang Korean drama specials.

Unang ipapalabas ang Girl Detective kung saan bida si Hae Sol, isang babaeng may abilidad na makita ang emosyon ng ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang kulay.

Gagamitin niya ito para malutas ang mga kasong naka-assign sa kanya.

Susundan ito ng Twenties, na tungkol sa long-lost love na muling magtatagpo matapos ang ilang taon.