Abante Tonite Interactive

Pagkuha ng driver’s license higpitan

393

Sa lalong madaling panahon ay dapat ng ipatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang dobleng paghihigpit sa pag-iisyu ng lisensya sa mga tsuper o professional driver’s license sa buong bansa.

Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na ­malalagim na ­aksidente sa mga kalsada.

Ang magkasunod na pinakahuling nangyaring aksidente ay ang pagsagasa ng isang pampsaherong Jeep sa Makati City na ikinamatay ng isang estudyante, pito naman ang ­nasaktan at nasugatan.

At ang isa pang malaking truck ay umararo naman sa mga tindahan ay ­sasakyan sa San Jose del monte Bulacan na ikinamatay ng mag-ina at ikinasugatng iba pang katao.

Ang driver ng pampasaherong jeepney at malaking truck ay nag positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Umamin na rin ang dalawang tsuper na sila’y na gumamit ng iligal na droga upang manatiling gising ay Hindi maramdaman umano ang sobrang pagod at puyat.

Dahil sa kasong ito ay dapat na kanselahin sa lalong madaling panahon ang driver’s license ng dalawang ito na nakamatay pa ng ­inosente.

Habang buhay na hindi na dapat pang payagan na makapag maneho ang mga ito ganun din sa ibang tsuper may kahalintulad na na may kaso.

Panahon na upang ipatupad ng LTO ang mahigpit na pag-iisyu sa mga professional driver’s license at kailangan ang mga ito ay sumailalim sa isang pagsasanay upang maiwasan na ang malagim na ­aksidente sa kalsada.

Magpatupad din ang LTO ng mga random drug testing sa mga tsuper na bumibiyahe araw-araw sa kalsada upang mahuli ang mga gumagamit ng iligal na droga habang nagmamaneho.