Abante Tonite Interactive

Pagkuha ng Lakers kay Melo, nonsense

284

Mukhang matatagalan pa bago magsama sa iisang team sa NBA ang magkaibigang LeBron James at Carmelo Anthony.

Sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, tinigil aniya muna ng Los Angeles Lakers ang negosasyon para makuha si Anthony, maliban kung makakahabol sa playoffs ang LA.

Sa kasalukuyan, tengga sa 10th place ng Western Conference ang Lakers sa 30-34, sa likod ng Sacramento (32-31) at No. 8 San Antonio (36-29).

Nag-iisip din aniya ang LA at ang kampo ni Anthony kung may saysay pang kunin ang veteran gayong nasa labas ng playoff picture ang Lakers.

Mula kay Wojnarowski: “Bringing ‘Melo into team that may not have meaningful games left makes little sense for the organization or him. Lakers had waited to see who could be available for them in buyout market. For now, makes more sense for Lakers to use minutes on young players than a 34-year-old FA (free agent).”

Binitawan ng Chicago Bulls si Anthony noong Feb. 1, siyam na araw matapos mai-trade mula Houston.