Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkuha ng police clearance pinabilis

0 74

Mas pinabilis at pinahusay na UMANO ang proseso ng police clearance sa 186 istasyon ng pulis sa buong bansa sa paglunsad ng National Police Clearance System (NPCS), ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG).

Aniya, ang NPCS ay isang malaking hakbang tungo sa pag-iwas sa krimen at sa kapayapaan lalo ngayong panahon ng pandemya. “Inaasahan natin na mas mapapabilis na ang pagbibigay ng police clearance sa ating mga kababayan na nangangailangan nito lalong-lalo na yung mga nag-aaply muli ng mga trabaho ngayong panahon ng pandemya,” ani Año.

Dagdag ni Año, “Bukod pa dito, mas mapapabilis din ang pagtugis sa mga kriminal lalong-lalo na yung nagtatago sa ibang lugar dahil sa ang datos natin ay para na sa buong bansa at hindi na lamang per LGU.” (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.