Abante Tonite Interactive

Pagkukunwari ng JoshLia tigilan na

630

Makakatulong kaya sa ipapalabas pa lang niyang pelikula, ang “Block Z”, ang “Wala akong inahas” na emote ni Julia Barretto? Sa kanya bang pakiwari, maniniwala talaga ang balana, dabarkads at madlang pipol na ang pang-aagaw sa kasintahan ng may kasintahan, eh hindi niya kayang gawin?

Ang diva that you love, ang punto, hindi ito isolated incident, may nangyari na dati, muling naulit ngayon, at sa malapit na hinaharap, posibleng maulit pa.

Ano pa ang dapat nating i-react sa bago niyang payanig? Kasi nga, si Gretchen Diez na ang pinag-uusapan at ang pagpapakawala kay Sanchez ang pinag-dedebatehan, nagdabog ang kanyang bangs?

Sa true lang tayo, what good will this do to her and to the rest of her gullible followers kung meron mang sumusubaybay o humahanga sa kanya at all? Sa pakiwari niya ba, si Bea Alonzo papatulan pa ang kanyang pagiging “totoo” at papahabain ang ganitong usapin?

Si Alonzo, “one day at a time” ang ginagawang healing at kung si Gerald Anderson naman kinalulugod ang paging tapat at prangka ni Barretto, ano pa nga ba ang dapat kong sabihin kundi “water seeks its own level.”

‘Pag super lapit na ang “Block Z” showing, ano kayang merito ng pelikula ang kanilang palulutangin para naman ma-curious ang mga tao? ‘Pag pinilit kasi nilang maging sweet sina Julia at Joshua Garcia alang-alang sa promotion at may dramang maaaring ibalik ang kanilang pagmamahalan, tama na, sobra na, tigilan na ang pagkukunwari.

Kung sino rin ang namumuno sa karera ni Julia, pahintuin niyo na ang alaga niyo sa kapuputak. Lalo lang siyang nagmumukhang defensive. Sa true lang, so what naman kung wala siyang inahas? Ang pangmalakasang tanong, may naniniwala pa ba sa version of her truth?

Sue, Joao split na

Makakatulong kaya sa “Cuddle Weather” ang balitang hiwalay na ang de-kolor at puti nina Sue Ramirez at kasintahang si Joao Constancia?
Hindi naman kasi si Joao ang bida sa movie, ni wala naman yatang cameo o special appearance sa pelikulang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino, bakit siya kasama sa promo equation?

Interesado ba talaga tayong malaman kung ano ang mga hindi nila pinagkasunduan nitong si Constancia, na isa sa BoyBandPH members?

Sa true lang tayo, super pushing and pulling na nga ang ginawa sa all male pump and grind na ito, sumikat ba sila? May hit songs ba to their credit?

How true rin kaya ang chikang sa Disyembre, kung kailan pa naman magpa-Pasko, eh bubuwagin na daw ang grupo at magkakanya-kanya na ang mga ito?

Excited ba kayo na maging solo artist si Joao at the rest of his gang? Siguro kung nagpaka-Chippendales o Magic Mike pa sila, baka sakaling ang sangkabekihan, nag-invest sa kanila, huh! Charot! Hahahaha!

Ngayon si Ramirez ay walang jowa, ang kanilang paghihiwalay ni Ginoong Constancia, ang hapdi at kirot na dulot nito, makatulong kaya sa kanya para maging mas mahusay siyang aktres?

Dahil isang buwan pa lang daw ang kanilang hiwalayan, sarado ba muna ang kanyang puso sa bagong manliligaw at magiging masaya muna siya here I am, alone again and free phase of her beautiful life?

Good luck kay Sue at RK Bagatsing sa “Cuddle Weather”.

Nawa’y hindi maging pang-cuddle weather talaga ang panahon ‘pag PPP na para ang mga manood ay sumugod sa mga sinehan.