Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkumpuni sa bumagsak na navy chopper matatagalan – Lorenzana

0 61

Matatagalan pa bago tuluyang maayos ang AgustaWestland AW-109E helicopter ng Philippine Navy’s (PN) na nasangkot sa aksidente sa Lal-lo, Cagayan noong isang buwan.

Ito ay dahil na rin sa tindi ng natamo nitong sira, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Tinitingnan pa. Medyo extensive ang damage. It will take time for it to become operational with the damage it sustained,” sinabi ni Lorenzana.

Hindi naman sinabi ng kalihim kung magagamit pa ito o hindi na at kung magkano ang halagang nasira dito. “I’ll ask the PN,” sinabi nito.

Sa mga naunang ulat ay lumitaw na kabilang sa nasira ang rotor ng helicopter.

Ang PN AW-109E, na may tail number na NH-435, ay nasangkot sa aksidente ng noong alas-dos ng madaling araw ng September 26 habang sinusubukang mag-landing sa designated station pagkagaling sa mission support sa Northern Luzon Command internal security operations.

Nagtamo ng minor injuries ang mga sakay ditong crew members at piloto.

Dahil sa insidente, lahat ng AW-109E helicopters sa bansa ay grounded hangga’t isinasagawa ang imbestigasyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.