Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagkuwestiyon sa anti-terror law, hindi terorismo

0 182

sdc

Ayon sa isang law professor, hindi mali ang ginagawang pagkuwestiyon sa anti-terrorism law, at hindi ito nangangahulugan na isa kang terorista.

“Si Atty. Calleja, hindi naman ho terorista. Nagdadala ako ng kuwestiyon on constitutionality sa tamang venue: sa Supreme Court,” wika ni Atty. Howard Calleja sa ABS-CBN’s Teleradyo, Biyernes.

“It’s a legal remedy, a rightful remedy, tapos tatawagin akong terorista. Kung ako tatawaging terorista, ano pa kaya si Juan dela Cruz na walang kalaban-laban?” aniya pa.

Kasama ni Calleja si dating Education Secretary Armin Luistro at ibang civic group sa paghahain ng unang petisyon sa Korte Suprema laban sa kapapasa pa lang na batas.

Sa ngayon, may siyam nang petisyon na kinukuwestiyon ang pagiging naaayon sa Konstitusyon ng anti-terror law.

Hulyo 3 nang lagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang anti-terror bill, kahit pa maugong ang pagkabahala ng mga mamamayan na magagamit ito para sugpuin ang mga kalayaan at karapatang-pantao at para tugisin ang mga tumututol sa gobyerno.

Magkakaroon ng bisa ang batas sa Linggo, Hulyo 19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.