Abante Tonite Interactive

Paglabag sa Safety Law may ₱100K multa kada araw

By
204

Naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga panuntunan kaugnay ng mas pinahigpit na batas para sa kaligtasan ng mga manggagawa sa pinapasukan nilang kompanya.

Kabilang dito ang pagpapataw ng P100,000 multa kada araw sa mga kompanya, kontratista, mga construction site at iba pang mga lugar ng trabaho na walang komportableng kuwarto at ang mga empleyado ay walang suot na proteksyon para sa kanilang kaligtasan.

Bahagi ito ng Republic Act No. 11058, ang batas na nagpapataw ng mas mahigpit na panuntunan para sa occupation safety and health standards.

Abante Hiring – IT dep

Magiging epektibo ang natu­rang batas ngayong Enero at mahaharap sa parusa ang mga employer na hindi sumusunod sa mga pamanta­yan para sa kaligtasan sa trabaho at kalusugan ng kanilang mga manggagawa.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUC), ang naturang batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2018 ay isang “tripartite collaboration” ng gobyerno, mga employer at labor sector para mapabuti ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho.