Abante Tonite Interactive

Paglaban sa iligal na droga responsibilidad ng lahat

By
2,107

Para tuluyang ma­sugpo ang paggawa at pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa, naniniwala ang isang kongresista na nanana­tiling malaking hamon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapalakas ng koordinasyon sa international counterpart nito at iba pang mga ahensiya na may mandatong labanan ang operasyon ng iligal na droga.

“The challenge now is for the PDEA to strengthen its coordination with international agencies, especially our neighboring countries,” pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Binigyang-diin ng kongresista na ang bawat bansa ay may res­ponsibilidad na labanan ang pagkalat ng iligal na droga kaya kinakaila­ngan na sa mga border pa lamang ay mapigi­lan na ang pagpasok ng mga ito.

Abante Hiring – IT dep

“Trafficking of illegal drugs is a global problem that must be stopped at the borders. Thus, it must be a shared responsibility of all countries,” dagdag ni Barbers na siyang chairman ng House committee on dangerous drugs.

Kaugnay nito, pinuri ng solon ang PDEA sa matagumpay na pagsalakay sa clandestine drug laboratories sa Batangas at Malabon na nagresulta sa pagkakadakma ng apat na Chinese national at tatlong iba pa.

Batay sa PDEA, posibleng ang mga suspek na Intsik ay may kaugna­yan sa international drug cartels na nag-o-ope­rate sa Golden Triangle o rehiyon na tumatawid sa mga border ng Thailand, Laos at Myanmar.

Binigyang-diin ni Barbers na ang mata­gumpay na operasyon ng PDEA ay patunay na seryoso ang gobyerno na lutasin ang kalakaran ng bawal na gamot.

“Hindi matatapos ang laban kontra droga hangga’t hindi nahuhuli ang mga malalaking isda na patuloy na sumi­sira sa ating lipunan. Kung nasaan ang droga, asahan niyo na nandiyan ang PDEA para supilin ito,” pagbibida ni ­Barbers.