Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paglabas ng mga bata pinahatulan sa IATF

0 59

Inendorso ng mga alkalde ng Metro Manila ang paghihigpit sa paglabas ng mga menor de edad kasunod na rin ng mga pangamba na magkaroon ng hawaan ng COVID-19.

Subalit ipinaubaya ng mga alkalde sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang desisyon kung papayagan na o ipagbabawal pa ring makapasok sa mall ang mga hindi pa bakunadong menor de edad.

“The IATF has the necessary scientific and empirical data as well as the health, epidemiological, and pediatric experts,” batay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-29 na inaprubahan ng mga alkalde.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang pag-endorso sa desisyon ng IATF ay upang timbangin ang mga isyu sa pamamagitan ng opinyon ng mga medical expert dahil ito’y para na rin sa kaligtasan ng bawat pamilya ngayong nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.

Nauna rito ay isang batang lalaki ang iniulat na nagpositibo sa COVID-19 makalipas ang tatlong araw matapos na mamasyal umano sa mall.

Iniimbestigahan na ng DOH ang nasabing insidente subalit hindi rin inaalis ang posibilidad na baka sa ibang lugar nahawa ng COVID ang 2-anyos na bata.(Dolly Cabreza/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.