Abante Tonite Interactive

Paglaganap ng karahasan sa social media tinuligsa ni De Lima

508

Naalarma si Senador Leila de Lima sa dumaraming insidente ng electronic violence laban sa mga babaeng estudyante sa pamamagitan ng unauthorized recording at distribusyon ng obscene photos at videos sa iba’t ibang online platforms.

Iginiit ni De Lima na ang estilo ni Pangulong Rodrigo Duterte na punong-puno ng vulgar language, sexist remarks at maging rape jokes ay nakapagpromote na ng kultura ng misogyny at nasira na ang morality ng kabataan.

“Due to unregulated nature of social media platforms and other online spaces, young people are now allowed incontrollable freedom to share abusive content, if not become the victim of online oversharing themselves,” saad ni de Lima.

“Kung ang mismong pinakamataas na pinuno sa bansa ay walang modo, walang respeto sa kababaihan, at ginagawa lamang katatawanan ang mga sensitibong usapin gaya ng rape, at nagagawa pang ipagtanggol ng kanyang mga tagasunod, ano pa nga ba ang aasahan nating magiging impluwensya nila sa ating kultura, lalo na sa kaisipan ng mga kabataan?” diin nito.

Tinukoy ni De Lima ang kaso ng anim na senior high students mula sa Philippine Science High School (PSHS) na hindi pinayagang magmartsa dahil sa umano’y pagpapakalat ng nude photos ng mga underaged na kaklase. (Dang Samson-Garcia)