Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paglagay ng harang sa motorsiklo, extended uli

0 393

Pinalawig muli ang palugit sa paglalagay ng barrier sa motorsiklo hanggang July 31, ayon sa Joint Task Force COVID Shield.

Ito’y kasunod ng hiling ng maraming motorista na bigyan pa sila ng panahon upang makasunod sa requirement sa back-riding ng mga mag-partner.

Ayon kay JTF COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, dapat noong Hulyo 20 pa sinimulang hulihin ng awtoridad ang mga motorcycle rider na walang barrier shield para sa back-riding.

Dalawang disenyo ang pagpipilian ng mga motorista: ang ginawa ng Bohol provincial government o ang backpack design ng Angkas. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.