Abante Tonite Interactive

Paglago ng ekonomiya dapat maramdaman ng mahihirap – Angara

By
1,194

Kung itinuturing na number one investment site sa mundo ang Pilipinas, kailangang uma­ngat din ang buhay ng mahihirap na pamilya.

Ayon kay Senador Sonny Angara, maganda ang lagay ng bansa sa aspeto ng foreign direct investment sa kabila ng pagbaba nito sa ibang bansa sa Asya.

“Dapat ay magbunga ito ng mga dekalidad at disenteng trabaho na magpapaginhawa sa buhay ng bawat Filipino. Balewala ito kung hindi ito ramdam ng ordinar­yong mamamayan,” saad ni Angara.

Ikinatuwa rin ni Anga­ra ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa mula 6.6% noong isang taon sa 5.3% nga­yong taon.
Subalit tumaas naman ang underemployment mula sa 16.3% tungong 18%.

“Ang ibig sabihin nito ay kahit may trabaho na sila, hindi pa rin sapat ang kinikita nila para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin kung kaya’t naghahanap pa rin sila ng ibang pagkakakitaan. We are hopeful that the rise in investments would generate higher quality employment opportunities with bigger pay,” giit ni ­Angara.